Ipinaskil ni: Ton L. | Hulyo 20, 2008

Weekend in Paranaque

Dear Diary.. (kunwari lang)

Kahapon (Hulyo deisinueve) tinawagan ako ni (pinsan) kuya bojo, Punta daw ako sa kanila sa Paranaque, mabibirthday kasi ang bunso nyang anak na si Jean Renei ngayon (Hulyo beinte). Pumunta naman ako, kasama ko na yung kapitbahay namin na barkada nya na pinapunta din para sya ang magluto ng mga putahe… Pinapunta naman ako para ako daw ang magprepare ng mga gagamitin para sa gaganaping party tulad ng mga ididikit na “Happy Birthday Jean Renei” sign pati yung “Thank you for coming” tag na ikakabit sa giveaways nila.. bakit kasi ako pa ang gagawa? hindi ba sila marunong gumawa? itatype lang naman sa Word yun tapos ipiprint na.. haayyzz. Anyway, ayos lang naman sa akin yun… yun na lang ang pa-birthday ko sa kanila bwahaha (kuripot talaga) haha. at least nakalibre naman ako maginternet dito sa kanila, maghapon nga ako nagiinternet at nagchachat sa internet cafe nila, naka-wi-fi (wireless fidelity internet) kasi sila kaya yung laptop ang ginagamit ko, namumuling na naman ako sa mga makabagong teknolohiyang gamit nila..:)

Nung matapos ko na gawin ang mga pinagawa sa akin, maya maya ay dumating na ang isang jeep na karga ang Videoke na nirentahan ni kuya bojo.. Biglang nagtatatalon sa sasaya ng mga tao dun na mga kamaganak ni irene (asawa ni kuya bojo) (parang mga sabik kumanta). Binuhat nung mga lalaki papasok sa gate ang videoke, hindi pa man din naikakabit sa saksakan at naoopen ay nag-aagawan na sila sa microphone. “Naku, ano ba tong mga to, kamalas pa” bulong ko..

Naunang kumanta yung tomboy si aileen (ian name nya pag gabi), ang kinanta nya yung kay Britney Spears na Sometimes i run, sometimes i hide , at ang score 94 (in fairness, nasa tono naman sya). sumunod yung kapatid nyang nakatatanda, ang kinanta.. ano nga ba title nun? yung ang lyrics ay that myyyy looooove, wiiiilllll seeee yooouu througgghhhh , labas labas na ang mga litid nya sa leeg, haha, pigil na pigil ang tawa ko sa kanila kasi pinagtatawanan sya ng lahat ng andun.. Ang score nya 98 (dinaan sa lakas ng boses at pagsigaw, pero nasa tono din naman sya)..

Ang sumunod namang kumanta ay yung bading si Jep (Jopay pag gabi) na pamangkin ni aileen (tomboy) (halos magka-age lang silang magtita, ay! magtito pala hehe parang magbarkada lang).. anyways, ang kinanta nya ay yung old song na ni-revive ni Eric Santos ay Kyla “Parting Time” ang lyrics ay i don’t wanna lose you…. girl i need you back to me , mejo magaling din sya kumanta. Naisip ko, may lahi ba silang musikero at parang lahat ay magaling, hindi pala kasi si irene hind magaling haha (mapanlait). Ang score ni Jep 80-plus lang. (parang sinungaling ang scoring ng videoke).

At ang sumakit talaga ang tyan ko sa katatawa ay dun kay Jep kasi after every song nya sumisigaw sya ng “i would like to thank my sponsors, doctora vicky belo, moose gear, Liveraide, Kyowa, Kremil-S and Frenzy” pati yung “To our neighborhoods, thank you very much, are you having fun. this song is for you, hindi kita malilimutan “… Naku nakakatawa sila, para akong nasa isang comedy bar.

Alas dose na ng hating gabi ng matapos ang kantahan nila. Did i mention na kumanta din ako. haha di ko na lang ikukwento kasi sobrang galing ko kumanta. hahaha :) :) :)

Kinabukasan (party day, at inuman day na rin para sa mga manginginom) maaga ako gumising para magprint na nung mga ginawa kong banner habang tulog pa mga nagbabantay sa internet cafe nila..after nun idinikit na namin sa pader yung Happy Birthday sign. (mejo maaksaya sa ink ng printer, dimahan ko kasi ng kulay, yun ang gusto nila e, maraming design)

Lunch time na ng dumating na ang mga bisita, yung mga kapatid ko at mga pamangkin ko.. mga office mate nila at kung sino sino pa.. mga nagkakainan, nag-iinuman, nagkakantahan. Biglang nanahimik yung mga nagkakantahan kahapon ah!.. hindi na kasi makasingit sa mga kumakantang bisita. Ako naman nasa kwarto lang habang nagffriendster, watch ng youtube at nagbblog-blogan :) pa rin. Lumabas ako para sana kumain, pero hindi pa luto ang mga putaheng gusto ko kaya bumalik muna ako sa kwarto. (with a bottle of SanMig) haha. Paglabas ko ulit para kumuha na ng pagkain, niyaya ako sa inuman, ang sabi ko “sige lang po, di ako umiinom e (yun ang alam nila)” pero may SanMig ako sa kwarto haha. Ayoko lang kasi sumama sa mga ganung inuman, Chivas Regal yata yun nasa table nila, at saka yung alak na dala nung isang na bisita..

Gabi na, at kailangan na namin umuwi, may pasok na naman kami bukas. Konti na lang ang mga bisita dito (yung mga bulagta na lang sa kalasingan ang naiwan hehe). Syempre bago kami umalis, palalagpasin ko ba naman ang gabi na hindi ako kakanta.. :D After ko i-post ito shut down ko na ang laptop at kakain muna then kakanta ulit kahit isang song lang or two.. wala na naman masyado tao e. hahaha

ayt! ciao! bye! sayonara! paalam!.. signing off. :)


Mag-iwan ng tugon

Ang iyong tugon:

Mga Kategoriya