Ipinaskil ni: Ton L. | Oktubre 16, 2008

Basta Pagkain ang Usapan

Minsan mayroong nanlilibre sa office, Mga birthday nila, pag may bonus, napromote or kung ano man okasyon dapat manlibre sila. Kapag nagbabaon ako lagi ng snack ko may nagpapameryenda naman kaya hindi ko tuloy nakakain ang baon ko. Kapag wala naman akong baon walang nagpapakain. Minsan nga sinasabi sa akin ni Kev na magbaon daw ako lagi para laging may magpameryenda. :) Isang araw may nagpakain na taga-kabilang account, lahat invited pero kami nahiya pa kasi bago pa lang kami nun. “Oi bawal pacute, punta na kayo at baka maubusan kayo” sabi ni sir, pero pagpunta namin sa pantry ubos na agad. (Mga pacute pa daw kasi) hehe..

Scene 1:

Pagdating sa kainan, kahit anong pagkain ang pagusapan, bida dyan si Arvs. Lagi sya ang nangunguna. Kapag may nagsabi na may pagkain sa pantry at pinapupunta kami, di sya nagpapatumpiktumpik pa, tatayo agad sya at kukuha ng pinggan at saka kami ang susunod pag nakakuha na sya.
Lagi sya ang nangunguna. Babalik pa yun at may dala-dalang tupperware lalagyan nya rin para baon pauwi.

Scene 2:

Minsan naman pag wala kami merienda, nagcocontribution kami para bumili ng pandesal sa Pan de Pidro at coke (para hindi mabigat sa bulsa) at pagsasaluhan namin lahat (how sweet). Bumili na rin ng coco jam si sir para ipalaman at ipinatago nya muna iyon kay Arvs…

Sir: Arvs oh, coco jam, itago mo muna dyan sa iyo para sa susunod na bumili ulit tayo ng pandesal meron nang ipapalaman..

Arvs: Cge po..

(after few weeks, bumili ulit kami ng pandesal)

Sir: Arvs, ilabas mo na ang palaman natin dyan..

Arvs: (nauutal sa pagsalita) ah-uhm, sir, na.. naiuwi ko po sa bahay..

Sir: Sabi ko sa iyo itago mo lang dyan eh, hindi ko sinabing iuwi mo.. (sabay tawa na lang sya)

Malamang naubos na nya yun sa kanila.. (Na-i-uwi daw? o baka sadyang dinala pauwi.. hmmm)

Scene 3:

Nag-OT kami, lima na lang kaming naiwan sa office. Nagbukas ng isang supot ng Corn Bits si Ate Novs para kukutin nya habang nagwowork.. Napadaan si Arvs at nakatingin kay ate Novs. Narinig ko ang eksenang ito..

Novs: Arvs oh, gusto mo? kuha ka!

Arvs: Wag na, ayoko.

Novs: cge na, nahiya ka pa.

Arvs: cge, salamat na lang

Novs: bahala ka

(akala ko talagang ayaw nga nya… ng biglang…)

Arvs: Cge na nga kukuha lang ako ng lagayan..

(Pagbalik nya, nakita ko ang lalagyan nya sobrang laki at nilagyan naman agad ni novs)

Novs: Parang wala na natira sa akin sa laki ng lalagyan mo ah.

Scene 4:

Umattend kami sa Xmas party namin last year pa.. Sa isang Eat-all-you-can Resto ginanap ang party. After naming lahat pumila, kumuha ng pagkain at punuin ang pinggan na dala namin, Bumalik agad si Arvs sa pila at kumuha naman sya ng isang pinggan na puno ng rice..

Sir: Arvs bakit ka pa kumuha ng rice, sino kakain nyan e punung-puno na ang mga pinggan natin.

Arvs: para po as atin..

Sir: Di na namin kaya ubusin yan, punung puno na ang pinggan namin oh.. Ubusin mo lahat yan hehe. (pabiro nyang sinabi)

Buti na lang always ready sya, inilabas nya ang plastic na nasa bag nya at inilagay ang rice, pati ang tira nya..

Scene 5:

Kababalik lang ng isang kasamahan namin dito sa office galing sa bakasyon. Syempre may pasalubong para sa lahat. Tigdadalawang supot ng Roasted Almonds at tigdalawang maliit na Toblerone din na inilagay sa bawat table naming lahat.. Nakita ko si Arvs na pinalitan nya ang kanyang maliit na supot ng roasted almonds at Toblerone ni sir na nasa table. Sabi ko…

Me: oi, daya mo, tig-dalawang nga bawat isa e.

Arvs: joke lang.. bawal naman sa kanya ang chocolate eh kaya akin na lang sana.

(mayamaya ay nagpop si arvs sa amin)

Arvs: “sarap ng roasted almond, ngayon lng ako nktikim nito ah.. tao na ako.. heheh”

Ipinaskil ni: Ton L. | Oktubre 8, 2008

Fashion nga naman

Kamakailan, napapansin ko lang na may mga bago na namang nauusong kasuotan. Kahit saan ako magpunta nakakakita ako ang parang checkered na scarf, may kulay na black & white, red & white, red and maroon, at marami pa ibang kulay.. na iniikot sa leeg at minsan nakasabit sa balikat. Ito yung scarf na kadalasang suot ng mga Muslim. Ngayon kahit hindi Muslim nagsusuot na rin. Minsan nakita kong nagsusuot nito ang ibang sikat na celebrity tulad ni Billy Crawford, at iba pang rappers at rnb singers (see image below). Pero may binabagayan naman ito, depende siguro sa get-up. Few days ago, sa isang buong maghapon kong pamamasyal, mahigit sa sampung tao na sa magkakaibang lugar, mapa-babae man o lalaki ang nakita kong may suot-suot ang ganitong scarf kahit na sa opisina may nakikita rin akong nagsusuot nito..

Ayos, maganda kasi uso at astig tingnan, nakakadagdag sa porma. Parang bagay iterno sa black jeans & shirt depende rin sa kulay. I don’t know, di naman ako fashionisto para malaman kung saan nababagay at para magcomment sa mga nagsusuot nito. Pero may isang lalaki akong napansin na hindi nakalagpas sa aking paningin; naka-black leather shoes, white slocks, white uniform top with “kalamay” (or yung kulay black na nilalagay sa balikat, di ko kasi alam ang tawag), in short nakauniform sya ng marine or seaman. May suot din syang Red Muslim scarf, parang hindi nag-complement sa uniform nya yung scarf kasi nakalabas pa ang kalamay sa balikat nya sa ilalim ng pulang scarf, suot din nya ang white na cap (yung flat top na pang-seaman din) kasi mejo umaambon nun. O diba, japorms!.. kung umaambon nun, bakit di nya ginamit yung scarf na un para di sya mabasa habang naghihintay ng masasakyan.. tsk tsk tsk.. :)

Ang isa pang nauuso ngayon sa mga kababaihan naman ay ang mga PAGKALAKI-LAKING makukulay na Ribbon na parang headband. Akala mo’y mga bata pag nasa malayo ang mga nagsuot nito.. Ito ay may binabagayan din, Si Mariel Rodriguez (see image below) at Angelica Panganiban ang mga una kong nakitang nagsuot nito at siguro sila ang trendsetter ng ganitong style. Cute naman sila tingnan pag may ribbon, mukhang artista.. :) hehe Pero may dalawang di ko kilalang girls na nakita ko na nakaheadband ng ganun.. haha! Pinagtatawanan lang sila..

One morning, nakasakay kami sa FX, napadaan kami sa isang kanto na maraming nagaabang na pasahero.. at mabilis nakatawag ng aking pansin ang dalawang girl na estudyante na nakauniform ng pang college (uniform yata yun ng isang computer college malapit sa Fairview) at tig-iisa sila ng suot na malalaking ribbon sa ulo, talagang eye catching sila kasi ang kulay nung isa ay parang Neon Orange, at yung isa naman ay Matingkad na Pink. Tulad nga ng sinabi ko, may binabagayan ang ganung kasuotan, pero sorry hindi talaga bagay sa kanila kahit pa paikut-ikutin sa ulo ang ribbon na yun, wala talaga, di sila mukhang artista :) .. “Parang mga regalo ah.. haha” sabi ng katabi ko sabay tawanan ng iba pang pasahero.. “Ano ba naman un, kung anu-ano ginagawa sa sarili..” sabi naman ng isa pa.. Kung alam lang ng dalawang yun na pinagtatawanan na sila, malamang hindi lang kami ang nakapansin, at malamang pinagtitinginan din sila ng iba pang dumadaan.. Maganda rin naman tingnan, Pwede yun kung namamasyal ka or magpaparty pampacute ba :) , pero sana naman huwag isuot pag nakauniform, di maganda tingnan.

Hindi naman ako nangingialam. Hindi rin ako nanlalait :) Nagsasabi lang ako ng kung ano ang di nagugustuhan ng paningin ko, peace out kung may natamaan man.. Kung mayroon mang nauuso at madalas may makitang bago sa mga iniidolong artista, sana naman bago nyo gayahin, tingnan muna kung bagay sa inyo bago kopyahin para hindi maging katawatawa sa paningin ng ibang tao.. Hindi ko sinasabing pangit ang mga nauusong ito, inuulit ko “hindi ko sinasabing pangit ang mga nauusong ito” basta nasa tamang pag-gamit lang with confidence. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga fashion kaya wala akong alam sa mga ganyan.. Pero ako, makikiuso ako, bukas na bukas bibili rin ako ng scarf kahit di bagay sa akin. hahaha Cheers! :)

Ipinaskil ni: Ton L. | Oktubre 6, 2008

Bossing Update

Hindi ko ito sinusulat dahil may sa naninira ako ng tao.. wala naman akong sama ng loob sa boss ko eh.. Hindi ko lang talaga matiis na ilabas ang aking mga nasasaloob tungkol sa kanya at sa mga ikinikilos nya..

Eto lang ang napansin ko sa mga nakalipas na araw.. walang pagbabago. ganun at ganun pa rin ang ginagawa nya. Minsan meron, minsan wala. Ang tinutukoy ko ay ang pakikipaglandian nya sa telepono.. Halos araw-araw may kalandian na naman sya sa telepono, sa tingin ko yun pa rin yung dati nyang kausap. At madalas maaga pa rin sya lumabas ng sa lunch break at late na babalik mga 2pm na..

Kaya ko nga pala naisipan ng Bossing Update sa post na ito kasi sa tingin ko may date na naman sya ngayong gabi.. Meron kasi silang nareceive na movie pass. Di ko lang maalala ang title ng movie na panonoorin nila ngayon sa SM Megamall. Primiere night yata yun, kaya ayun maagang nag time-out at sasamantalahin nila ienjoy ang kanilang panonood. haha.

Ang sama ko talaga. masyado na ako malisyoso. o sya! tama na nga. till next update…hehe :) :)

Ipinaskil ni: Ton L. | Setyembre 26, 2008

Lessons from Inay and Itay

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
“Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay.”

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
“Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
“Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC.
“Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine.”

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
“Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
“Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!”

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
“Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos
yang lahat ng pagkain mo!”

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
“Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
“SALBAHE kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito.”

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
“Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!”

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
“Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!”

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
“Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
“Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING.
“Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
“Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
“Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!”

Ipinaskil ni: Ton L. | Setyembre 26, 2008

Office Letter: Increa$e?

One day an employee sends a letter to his boss asking for an increase in his salary.

————————————

Dear Bo$$ :

In thi$ life, we all need $omething mo$t de$perately. I think you $hould be under$tanding of the need$ of worker$ who have given$ o much $upport including $weat and $ervice to your company .

I am $ure you will gue$$ what I mean and re$pond $oon .
Your$ $incerely,

Mar$hal

————————————

The next day, the employee received this reply :

————————————

Dear Marshal :

I kNOw you have been working very hard. NOwadays, NOthing much has changed. You must have NOticed that our company is NOt doing NOticeably well as yet .

NOw the newspapers are saying the world’s leading ecoNOmists are NOt sure if the United States may go into aNOther recession. After the NOvember presidential elections things may turn bad .

I have NOthing more to add NOw. You kNOw what I mean .

Ipinaskil ni: Ton L. | Agosto 13, 2008

Bossing

Ang kuwentong ito ay tungkol lamang sa mga sinasaluob ko tungkol sa aking bossing (na itaitago na lang natin sa pangalang Brownie DarcOn). Eversince nagstart ako sa work ko, hindi ko talaga ma-feel na bossing ko sya. Ewan ko ba, kasi hindi halata na boss sya, bagutiman. Meron nga ako picture ng mga officemate ko sa cellphone ko at ng makita ito ng mga kasama ko sa bahay, iisa lang ang sinabi nila.. “Ha? Supervisor yan?? Hindi halata, Akala ko extra lang sa picture” yan ang sabi nila.. Pero wag ka, babaero ang taong yan.. May asawa na sya pero nakikipaglandian pa sa ibang babae sa telepono., kahit hindi ko nakikita kung sino man yun, naririnig ko naman pag kausap nya sa telepono.. Napapansin ko kasi madalas may kausap sya sa telepono everyday yun.. every 5:00 PM in the afternoon, for sure tatawa tawa na lang yan bigla dahil may kausap na sa telepono. Ang lakas lakas pa mandin ng tawa nya para bang walang nakakarinig.. Nuong ang desk ko pa ay malapit sa desk nya, naririnig ko ang mga sinasabi nya.. “oh, san tayo magla-lunch., ikaw talaga.. ang arte mo, kelan tayo ulit magkikita at saan tayo magmi-meet, ganito, ganyan, tapos bubulong dito bulong doon na halos hindi mo na marinig at sabay tatawa na naman ng malakas.” Wierd talaga. Sa loob loob ko lang at ibinubulong ko lang sa isip ko na.. “nakikipag landian pa tong taong to kay Number 2, feeling bagets.. hala ka lagot ka isusumbong kita sa misis mo”.

One day, mga 10:30 pa lang yata. nagpaalam sya na magla-lunch na daw sya kahit masyado pang maaga.. At may kung ano na namang pumasok sa isip ko na siguro kaya maaga ito ay makikipagtagpo sa kanyang Number 2.. at sumagi din sa isip ko na baka meron silang lunch date at baka sasamantalahin ang konting oras na iyon..yucks!!!.hehe.. Magtu-2:00 PM na ng bumalik sya. Nagme-message-message (pop-up) kami ng mga kasama ko at parepareho pala kami ng nasa isip tungkol sa kanya..

Ngayon lumipat ako ng cubicle/desk kasi may nagresign kaya dun ako inilagay sa bakanteng desk para wala nang malapit sa kanya at para siguro hindi ko na marinig ang mga pinaguusapan nila sa telepono.. Hmm. parang may tinatago talaga.

Last Tuesday, Nagbirthday sya.. Nagfile pa sya ng two days na birthday leave, Tuesday and Wednesday. Bulung-bulungan namin mga kasama ko sa pop-up, sina Arv at Kosme “Tuesday kasama nya si misis, then Wednesday kasama naman si Number 2″ Lagi na lang namin ginagawan ng kwento ang mga ginagawa nya.. Wednesday morning dumaan sya sa office at may daladalang isang bilao ng pansit mike/bihon, isang bilao ng palabok, isang box ng pandesal at softdrinks.. sabi nya kasi magdadala daw sya ng pagkain EARLY MORNING kaya naghintay kami, 10:00 AM na wala pa rin sya.. ginutom tuloy kami..hayzz. hehe. Nang dumating na sya nagsalusalo na kami at habang kumakain kami guess what kung ano ginawa nya, dumiretso sa desk nya at may tinawagan sa telepono. Sino na naman kaya ang kausap nya? Sa isip isip ko na naman baka sinasabihan nya si Number 2 na maghintay kahit saglit lang at darating din sya sa kanilang tagpuan.. hahaha Habang kumakain pa rin ang iba ay nagpaalam na sya “Guys, kayo na ang bahala dyan sa food ha, aalis na ko, papasok na ako bukas..” at umalis na nga rin sya agad.. Nagpapop-up na naman kami “Ayun na magkikita na sila, hehe”

Thursday morning, pumasok na rin sya sa office, Nagcontribution ang mga Regular employees (hindi kami kasama dun kasi di pa kami regular) sa Team namin para bumili ng cake para kay sir (tradisyon na talaga ng team namin na bumili ng cake kapag may nagbirthday).. Lunch time lumabas kami ni Kosme (officemate, hindi rin regular) para kami na ang bumili ng cake since hindi naman kami kasama sa contribution.. Pumunta kami sa pinakamalapit na Goldilocks, Kami na rin ang nagdecide kung anong flavor. Sabi ni Kosme, kailangan kakulay nya nag bibilhin namin kaya Dark Chocolate ang binili namin hehe. (mapanlait eh noh!).. Pinalagyan pa namin ng Message na Happy Birthday Sir ****, at naglunch at namasyal muna kami habang hinihintay ang cake.. Lagpas 1:00PM na ng bumalik kami para sakto lang na nasa office na sya. Pagdating namin sinindihan ang candle sa cake at kumanta ng Happy Birthday ang lahat, at nagblow sya ng candle. Nagtatawanan nga ang lahat kasi sabi nya bakit daw kakulay daw nya yung cake na binili.. dun nagtapos ang birthday celebration nya.. At syempre kanya kanyang kuha na ng platito at mag nag-slice-an na kami ng cake.. Yung slice na may pangalan nya ang ibinibigay sa may birthday. Kumakain na si sir ng cake nya… at… hayyy. ano pa nga ba… habang may kausap sa phone at tumatawa mag-isa.

Ipinaskil ni: Ton L. | Hulyo 20, 2008

Weekend in Paranaque

Dear Diary.. (kunwari lang)

Kahapon (Hulyo deisinueve) tinawagan ako ni (pinsan) kuya bojo, Punta daw ako sa kanila sa Paranaque, mabibirthday kasi ang bunso nyang anak na si Jean Renei ngayon (Hulyo beinte). Pumunta naman ako, kasama ko na yung kapitbahay namin na barkada nya na pinapunta din para sya ang magluto ng mga putahe… Pinapunta naman ako para ako daw ang magprepare ng mga gagamitin para sa gaganaping party tulad ng mga ididikit na “Happy Birthday Jean Renei” sign pati yung “Thank you for coming” tag na ikakabit sa giveaways nila.. bakit kasi ako pa ang gagawa? hindi ba sila marunong gumawa? itatype lang naman sa Word yun tapos ipiprint na.. haayyzz. Anyway, ayos lang naman sa akin yun… yun na lang ang pa-birthday ko sa kanila bwahaha (kuripot talaga) haha. at least nakalibre naman ako maginternet dito sa kanila, maghapon nga ako nagiinternet at nagchachat sa internet cafe nila, naka-wi-fi (wireless fidelity internet) kasi sila kaya yung laptop ang ginagamit ko, namumuling na naman ako sa mga makabagong teknolohiyang gamit nila..:)

Nung matapos ko na gawin ang mga pinagawa sa akin, maya maya ay dumating na ang isang jeep na karga ang Videoke na nirentahan ni kuya bojo.. Biglang nagtatatalon sa sasaya ng mga tao dun na mga kamaganak ni irene (asawa ni kuya bojo) (parang mga sabik kumanta). Binuhat nung mga lalaki papasok sa gate ang videoke, hindi pa man din naikakabit sa saksakan at naoopen ay nag-aagawan na sila sa microphone. “Naku, ano ba tong mga to, kamalas pa” bulong ko..

Naunang kumanta yung tomboy si aileen (ian name nya pag gabi), ang kinanta nya yung kay Britney Spears na Sometimes i run, sometimes i hide , at ang score 94 (in fairness, nasa tono naman sya). sumunod yung kapatid nyang nakatatanda, ang kinanta.. ano nga ba title nun? yung ang lyrics ay that myyyy looooove, wiiiilllll seeee yooouu througgghhhh , labas labas na ang mga litid nya sa leeg, haha, pigil na pigil ang tawa ko sa kanila kasi pinagtatawanan sya ng lahat ng andun.. Ang score nya 98 (dinaan sa lakas ng boses at pagsigaw, pero nasa tono din naman sya)..

Ang sumunod namang kumanta ay yung bading si Jep (Jopay pag gabi) na pamangkin ni aileen (tomboy) (halos magka-age lang silang magtita, ay! magtito pala hehe parang magbarkada lang).. anyways, ang kinanta nya ay yung old song na ni-revive ni Eric Santos ay Kyla “Parting Time” ang lyrics ay i don’t wanna lose you…. girl i need you back to me , mejo magaling din sya kumanta. Naisip ko, may lahi ba silang musikero at parang lahat ay magaling, hindi pala kasi si irene hind magaling haha (mapanlait). Ang score ni Jep 80-plus lang. (parang sinungaling ang scoring ng videoke).

At ang sumakit talaga ang tyan ko sa katatawa ay dun kay Jep kasi after every song nya sumisigaw sya ng “i would like to thank my sponsors, doctora vicky belo, moose gear, Liveraide, Kyowa, Kremil-S and Frenzy” pati yung “To our neighborhoods, thank you very much, are you having fun. this song is for you, hindi kita malilimutan “… Naku nakakatawa sila, para akong nasa isang comedy bar.

Alas dose na ng hating gabi ng matapos ang kantahan nila. Did i mention na kumanta din ako. haha di ko na lang ikukwento kasi sobrang galing ko kumanta. hahaha :) :) :)

Kinabukasan (party day, at inuman day na rin para sa mga manginginom) maaga ako gumising para magprint na nung mga ginawa kong banner habang tulog pa mga nagbabantay sa internet cafe nila..after nun idinikit na namin sa pader yung Happy Birthday sign. (mejo maaksaya sa ink ng printer, dimahan ko kasi ng kulay, yun ang gusto nila e, maraming design)

Lunch time na ng dumating na ang mga bisita, yung mga kapatid ko at mga pamangkin ko.. mga office mate nila at kung sino sino pa.. mga nagkakainan, nag-iinuman, nagkakantahan. Biglang nanahimik yung mga nagkakantahan kahapon ah!.. hindi na kasi makasingit sa mga kumakantang bisita. Ako naman nasa kwarto lang habang nagffriendster, watch ng youtube at nagbblog-blogan :) pa rin. Lumabas ako para sana kumain, pero hindi pa luto ang mga putaheng gusto ko kaya bumalik muna ako sa kwarto. (with a bottle of SanMig) haha. Paglabas ko ulit para kumuha na ng pagkain, niyaya ako sa inuman, ang sabi ko “sige lang po, di ako umiinom e (yun ang alam nila)” pero may SanMig ako sa kwarto haha. Ayoko lang kasi sumama sa mga ganung inuman, Chivas Regal yata yun nasa table nila, at saka yung alak na dala nung isang na bisita..

Gabi na, at kailangan na namin umuwi, may pasok na naman kami bukas. Konti na lang ang mga bisita dito (yung mga bulagta na lang sa kalasingan ang naiwan hehe). Syempre bago kami umalis, palalagpasin ko ba naman ang gabi na hindi ako kakanta.. :D After ko i-post ito shut down ko na ang laptop at kakain muna then kakanta ulit kahit isang song lang or two.. wala na naman masyado tao e. hahaha

ayt! ciao! bye! sayonara! paalam!.. signing off. :)

Ipinaskil ni: Ton L. | Hulyo 15, 2008

Science vs Religion †۞†

I have always been amazed with this article even if i have already read this ten time. This really is an interesting conversation.. I find it nice, so better read this.

xoxoxoxoxoxoxoxxoxoxoxooxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

An Atheist Professor of Philosophy speaks to his Class
on the Problem Science has with GOD, the ALMIGHTY.
He asks one of his New Christian Students to stand and…

Professor : You are a Christian, aren’t you, son?
Student : Yes, sir.
Professor : So you Believe in GOD ?
Student : Absolutely, sir.
Professor : Is GOD Good ?
Student : Sure.
Professor : Is GOD ALL – POWERFUL ?
Student : Yes.
Professor : My Brother died of Cancer even though he
Prayed to GOD to Heal him. Most of us would attempt to help others who are ill.. But GOD didn’t. How is this GOD good then? Hmm?

( Student is silent )

Professor : You can’t answer, can you ? Let’s start
again, Young Fella. Is GOD Good?
Student : Yes.
Professor : Is Satan good ?
Student : No.
Professor : Where does Satan come from ?
Student : From . . . GOD . . .
Professor : That’s right. Tell me son, is there evil in
this World?
Student : Yes.
Professor : Evil is everywhere, isn’t it ? And GOD did make
everything. Correct?
Student : Yes.
Professor : So who created evil ?

(Student does not answer)

Professor : Is there Sickness? Immorality? Hatred?
Ugliness? All these terrible things exist in the World, don’t they?
Student : Yes, sir.
Professor : So, who Created them ?

( Student has no answer )

Professor : Science says you have 5 Senses you use to
Identify and Observe the World. Tell me, son . . . Have you ever Seen GOD?

Student : No, sir.
Professor : Tell us if you have ever Heard your GOD?
Student : No , sir.
Professor : Have you ever Felt your GOD, Tasted your
GOD, Smelt your GOD? Have you ever had any Sensory Perception of GOD for that matter?

Student : No, sir. I’m afraid I haven’t.
Professor : Yet you still Believe in HIM?
Student : Yes.
Professor : According to Empirical, Testable,
Demonstrable Protocol, Science says your GOD doesn’t exist. What do you say to that, son?

Student : Nothing. I only have my Faith.
Professor : Yes, Faith. And that is the Problem Science
has.
Student : Professor, is there such a thing as Heat?
Professor : Yes.
Student : And is there such a thing as Cold?
Professor : Yes.
Student : No sir. There isn’t.

( The Lecture Theatre becomes very quiet with this turn
of events )

Student : Sir, you can have Lots of Heat, even More
Heat, Superheat, Mega Heat, White Heat, a Little Heat or No Heat. But we
don’t have anything called Cold. We can hit 458 Degrees below Zero which
is No Heat, but we can’t go any further after that. There is no such
thing as Cold. Cold is only a Word we use to describe the Absence of
Heat. We cannot Measure Cold. Heat is Energy. Cold is Not the Opposite
of Heat, sir, just the Absence of it.

( There is Pin – Drop Silence in the Lecture Theatre )

Student : What about Darkness, Professor? Is there such
a thing as Darkness?
Professor : Yes. What is Night if there isn’t Darkness?
Student : You’re wrong again, sir. Darkness is the
Absence of Something. You can have Low Light, Normal Light, Bright
Light, Flashing Light . . . But if you have No Light constantly, you
have nothing and its called Darkness, isn’t it? In reality, Darkness
isn’t. If it is, were you would be able to make Darkness Darker,
wouldn’t you?
Professor : So what is the point you are making, Young
Man ?
Student : Sir, my point is your Philosophical Premise is
flawed.
Professor : Flawed ? Can you explain how?
Student : Sir, you are working on the Premise of
Duality. You argue there is Life and then there is Death, a Good GOD and
a Bad GOD. You are viewing the Concept of GOD as something finite,
something we can measure. Sir, Science can’t even explain a Thought. It
uses Electricity and Magnetism, but has never seen, much less fully
understood either one. To view Death as the Opposite of Life is to be
ignorant of the fact that Death cannot exist as a Substantive Thing.
Death is Not the Opposite of Life: just the Absence of it. Now tell me,
Professor, do you teach your Students that they evolved from a Monkey?
Professor : If you are referring to the Natural
Evolutionary Process, yes, of course, I do.
Student : Have you ever observed Evolution with your own
eyes, sir?

( The Professor shakes his head with a Smile, beginning
to realize where the Argument is going )

Student : Since no one has ever observed the Process of
Evolution at work and cannot even prove that this Process is an on -
Going Endeavor, Are you not teaching your Opinion, sir? Are you not a
Scientist but a Preacher?

( The Class is in Uproar )

Student : Is there anyone in the Class who has ever seen
the Professor’s Brain?

( The Class breaks out into Laughter )

Student : Is there anyone here who has ever heard the
Professor’s Brain, Felt it, touched or Smelt it? . . . No one appears to
have done so. So, according to the Established Rules of Empirical,
Stable, Demonstrable Protocol, Science says that you have No Brain, sir.
With all due respect, sir, how do we then Trust you’re Lectures, sir?

(The Room is Silent. The Professor stares at the
Student, his face unfathomable)

Professor : I guess you’ll have to take them on Faith,
son.
Student : That is it sir . . . The Link between Man &
GOD is FAITH. That is all that Keeps Things Moving & Alive.

NB:I believe you have enjoyed the Conversation . .. . and
if so . . . You’ll probably want your Friends / Colleagues to enjoy the
same . . . won’t you? Forward them to Increase their Knowledge . . or
FAITH.

It turned out later that the student is Albert Einstein
(?)

‘GOD is GOOD all the time!’

science & religion

science & religion

Ipinaskil ni: Ton L. | Hulyo 15, 2008

Enter the Lodge

Finally, after several weeks and months, i finished making a blog.. I didn’t have enough time to do it that’s why it took a very long time.. Anyways, since i didn’t know what to call this blog, I just called I my “Lodge” just like the literal lodge, this is where i can go and stay to relax. This is also where I can speak my thoughts, express my feelings and utter my anger and wrath..

Just to clarify things, I am not really a writer or a blogger so don’t expect me to post articles that are sensible, informative, or any interesting topics. is that clear? I will just say whatever is on my mind or how i feel about anything under the sun. Sometimes, i’m just gonna share to you anything that i’ve read for you guys to read also. Alright.. I just hope you enjoy visiting and reading.. Enjoy your stay in my Lodge! :) :P

Walk of Fame.. in my dreams =)
Walk of Fame.. in my dreams =)

Mga Kategoriya